CAT Camping 2020: Survived
Noong nakaraang Enero 11, 2020. Ang mga grade 10 na mag-aaral ay nagkaroon ng isang CAT Camping kung saan mayroong limang platoon na sinubok ang kanilang kaalaman sa kung papaanong mamuhay ng mahirap. Ng walang mga kalan, phones o ni foam sa pagtulog. Sa araw na iyon sinubok ang bawat isa kung makakaya ba namin ang bawat hapon na ang aming mahaharap. At laking gulat o masayang kong sabihin na bawat platoon ay nagtagumpay sa dalawang araw na pagdurusa.
Hinay-hinay nang dumating ang aking mga kapwa kong kaklase dalang-dala ang mga kanilang pinagsabihan na dalhin kagaya ng kawali, kaldero, spatula at mga pagkain, pagkain na de-latang kalakal. Mga personal nga gamitan din katulad ng unan, kumot at banig, bakit banig? sapagkat ano na ang kahulugan ng "survival" kung gagamit lang pala kami ng foam. Umagang-umaga palang malalaman mo na gaano nasasabik yet nag-aalala ang lahat, sa mga mukha palang namin malalaman mo na. Sapagkat wala kaming kaalam-alam kung anong naghihintay sa amin kapag kami na ay papasok sa loob ng campus. Kung makakaya ba naming na walang mga phones sa dalawang araw, walang kalan na magagamitan, na matitiis ba naming maging pawis buong araw at walang kaartehan sa mga nakakasuklam na gawain. Ito lang ay isa sa mga katanungan ng bawat isipan na sumali sa camping.
Pinapasok na ang bawat platoon, isinuko na ang bawat phones na dala at dito ay inilagay naming (bravo) ang aming mga gamit sa ilang lugar. Hinay-hinay nang tinawag ang mga platoon na kompleto ng mga miyembro at ang bravo ay ang ikaapat na tinawag sapagkat mayroon kaming miyembro na siya nga ang pinakamalapit na bahay siya pa ang huling nakarating sa paaralan. Sapagkat inakala niya ng 7+ pa magsisimula ang camping. Siya ay pinuntahan sa kanilang bahay at laking gulat naming nalaman nga siya lang ay nanunuod pa ng telebisyon at nakasuot pa ng sanina nga pang-bahay. Natutuwa lang isipin nga umagang-umaga palang kaming bravo ay galit-galit sa kanya.
Lahat ay pinapasok na |
Sa tanghalian, bawat platoon ay kinakailangan ng magluto gamit ng mga kahoy at posporo na dinala namin. Nasa isipan ko makakaya ba namin ito mapailaw? makakain ba kami? kung oo, gaano naman ka tagal?. Laking gulat, na nakakain kaming lahat na platoon. Lahat ay gutom na gutom ngunit may twist na binigay sa amin, kami ay pinagsabihan na palitan ang aming pagkain sa ibang platoon. Dito makikita mo ang mga reaksyon ng bawat isa gaano ka gulat na gulat sila sa pangyayari, na ang kanilang pinagsikapan at masasarap ng mga pagkain ay napunta lamang sa iba. Mga pagsisi at nabigla ang makikita mo sa oras na iyon.
Pagluluto ng tanghalian |
Di na ako babalik diyan |
Awarding ceremony, kung saan nagkaroon ng iba't-ibang award ang bawat platoon, miyembro at iba pa. Ako ay natuwa at nakuntento sa aming resulta (bravo) na nasa ikaapat na place. Kahit ito ay nasa mababang ranggo, masaya parin ako sapagkat hindi kompetisyon ang pinuntahan ko kundi ang kasiyahan at kalokohan na ang aming mararanas sa camping.
!BRAVOO! |
No comments:
Post a Comment