Bakit Nanghuhusga Ang Mga Tao Sa Kapwa
from: Pinterest |
Bawat isa sa atin ay may iba't- ibang kalagayan at kaanyuan sa buhay ngunit sa paningin sa Itaas ay pantay-pantay lang tayong lahat. Mayaman man o mahirap wala parin tayong karapatan na manghusga sapagkat may sarili-sarili tayong buhay. Karamihan sa atin ay nanghuhusga ayon lamang sa kanilang nakita. Nanghuhusga agad na hindi inaalam ang buong katotohanan. Kaya bago manghusga tignan muna ang sarili bago manlait ng iba.
Batay sa aking nakita, karamihan sa atin ay pumipili na humusga ng una sapagkat ayaw nila mapangunahan at ito ang madalas na ginagawa. Hangga't may taong humihila pababa sayo nanghuhusga ka nalang rin sa kanila. Kahit alam mong mali ang ginagawa ng isang tao ay tama ka na, minsan katulad katulad ka lang din nila ang kaibahan lamang ay nagmamarunong ka. Hindi natin maiiwasan na masyado na tayong naniniwala sa gusto nating paniniwalaan kahit pwede naman muna magtanong bago humusga o wag nalang pansinin kung wala namang kilalaman nito. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagkakamali at tinuturing di perpekto, kaya mas mabuti siguro na iwasan ang pagiging pala husga sa kapwa at bigyan sana ito ng respeto o importansya.
Nasa katotohanan na, na hindi mawawala ang maga taong mapanghusga sapagkat tandaan nalang natin na tayo parin ang tunay na nakikilala sa ating mga sarili. Bago tayo tumingin sa kahinaan ng bawat isa at mamuna mas mabuti tignan muna natin ang ating sariling kahinaan. Hindi maiiwasan na tayong nagiging abala sa pamimintas ng iba na umaabot sa punto na nakakalimutan natin na meron din tayong kapintasan.
No comments:
Post a Comment